Sugal sa Rosario, Cavite at sabwatan sa DENR

NAGTAWANAN lang ang mga utak ng jueteng at poker sa Rosario, Cavite matapos natin itong ibulgar sa pitak na ito noong isang araw.

Ito ay dating binobola sa likod mismo ng palengke, ngunit inilipat sa Ligtong kamakailan lang at muling inilipat  sa likuran mismo ng Brgy hall ng Brgy. Bagbag-1.

Si Rudy Marikina na nakaprente sa jueteng, saman-talang ang sa “poker” na si Amboy Buhain ay pangitingiti lamang, ayon pa sa source dahil ang kanilang bossing umano na isang SB member na anak ni Rosario, Cavite Mayor Nonong Ricafrente ay may galamay na siyang nagpaparating tuwing Biyernes kay Cavite PD Col. John Bulalacao at kay Region 4-A Director C/Supt. James Melad.

Weeeh, totoo? Baka kung ratsadahin kayo sabihin ninyo tsamba! Hak, hak, hak!

-o0o-

ANG sabwatan nina DENR Naga City CENRO Pio Bernal at ng “tres marias” ay nagreresulta sa mahigit isang libong sako ng uling araw-araw mula sa Bicolandia ang pinalulusot papunta sa Maynila.

Ibig sabihin, ilang taon na lang at tuluyan nang makakalbo ang kagubatan sa Bicol
region.

Ang nasabing mga uling ay nagmumula sa Tinambac, Camarines Sur na ang nakasasakop ay ang opisina ng  DENR sa Goa, ngunit dahil ginagago nga ni Bernal ang kanyang mga opisyal kaya kahit siya na CENRO ng Naga at walang pakialam dapat sa Goa/Tinambac ay siya ang nagpapalabas ng mga permit na nagkakahalaga ng P6,000 bawat permitee para sa 3 days permit.

Ayon sa source, kung makapag-issue ng 20 permit ay may P120K o umaabot sa P250k ang kinikita ng grupo nina Bernal bawat linggo.

Milyon, parekoy, kada buwan ang kapalit ng pagkalbo sa kagubatan ng Bicol nitong sabwatan nina CENRO Ber-nal at ilang forest ranger.

At ang lahat ng ‘yan parekoy ay ginagawa nina Bernal sa mismong tungki ng mga opisyal ng DENR Region 5.

Kaya naman inaasahan na sa Bicol ang “matuwid na daan at kalbong kagubatan.”

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply