Sugalan sa Angeles at Caloocan test kay Roxas

MUKHANG isasailalim agad sa pagsubok ang bagong upo na DILG head na si Sec. Mar Roxas kaugnay ng naglipanang iligal na sugal sa mga lungsod ng Caloocan at Angeles sa lalawigan ng Pampanga.

Unahin natin, parekoy, ang tinaguriang “evils” sa City of Angels.

Mismong sa “tungki” ni Angeles City Mayor Ed Pa-mintuan ay naglipana ang iligal na sugal ni “Pares” na ayon sa ilang pari ay kilalang super-lakas kay Pamintuan.

Maging ang kapulisan ay wala umanong magawa rito sa operasyon ni “Pares” dahil sa takot na masibak kung maisipsip ng nagpapakilalang “bagman” ni Mayor Pamintuan na si Jess Eres.

Si Eres, parekoy, na kilalang “little mayor” ng Angeles City at itinuturong “bagman” sa lahat ng koleksyon mula sa sugal, putahan, illegal vendors at quarry, ay siya mismong nagbabanta sa kapulisan na huwag gagalawin ang mga iligal, lalo na ang sugal ni “Pares” kung ayaw nilang masibak!

Sa kabila ng mariing pagkakasangkot sa mismong pangalan ni Mayor Ed Pamintuan ay kataka-taka ang pananahimik nito sa nasabing mga iligal.

At ang kanyang pananahimik ay para bang sinasang-ayunan nito ang mga paratang!

DAHIL wala pa ring tinag ang iligal na sugal sa Caloocan City nina Boy Edmund, Nancy Kamote at ang naglipanang video karera (VK) sa Camarin at Bagong Silang ng pulis na si Wilson Cruz ay unti-unti na tayong naniniwala na nakasandal nga sa pader ang mga ito.

Maging si 2nd Dist. Councilor Marjorie Barretto, kung saan ang pangalan nito ang kinakaladkad bilang utak umano sa nasabing talamak na sugal sa Caloocan City, ay nakapagtataka rin ang pananahimik!

Dito natin makikita, parekoy, ang tikas ng bagong Kalihim ng DILG na si Sec. Mar Roxas kung kaya niyang bigyan ito ng aksyon.

Dahil kung sa Caloocan City pa lang ay papalpak na si Sec. Roxas, paano niya malilinis ang buong bansa?

Goodbye na rin siya sa pagka-Pangulo sa 2016!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  ALARMA-Kinse Trenta (Lunes-Biyernes, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply