Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 5.9 na lindol

NIYANIG ng magnitude 5.9 na lindol ang Palimbang, Sultan Kudarat ngayong hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang lindol bandang alas-2:49 ngayong hapon.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 36 kilometro.

Naramdaman din ang Intensity IV na pagyanig sa Cotobato City; Intensity III sa Datu Unsay, Datu Hoffer, Maguindanao; at Intensity II sa Zamboanga City; Kidapawan City at Isulan, Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs, inaasahan ang aftershocks makaraan ang pagyanig.

Wala namang naiulat na pinsala o nasaktan sa lindol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply