Sumunod sa mga opisyal ng gobyerno – Palasyo

UMAPELA ang Malakanyang sa mga residenteng nakatira sa mga coastal areas na sundin ang mga suhestiyon at instructions mula sa mga opisyal ng pamahalaan makaraang tumama ang magnitude 7.7 na lindol sa Guiuan, Eastern Samar noong nakaraang linggo.

Binigyang diin ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na importante sa gobyerno ang buhay ng mga residente kaya’t makabubuting sumunod ang mga ito sa gobyerno.

“Ang pakiusap lang ngayon ay sundin ang suggestions or mga instructions ng ating government officials. The only thing that we’re concerned with is your safety,” ayon kay Lacierda.

Pwersahang inilikas ang mga residente sa coastal areas nang magpalabas ng alert level lll matapos ang 7.7 magnitude na lindol.

Sinabi ni  Lacierda na ang unang konsiderasyon ng pamahalaan sa sapilitang pagpapalikas ay ang kaligtasan ng mga residente roon.

“Ang mahalaga doon ay iligtas ang mga taong nasa mga delikadong lugar. Pero i-clarify natin kung talagang nagkaroon ng utos na takutin sila. But certainly our concern there is their safety,” ani Lacierda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply