Sundalo, GF kritikal sa pananambang

NASA kritikal na kondisyon ang isang miyembro ng Scout Ranger ng Philippine Army at ang nobya nito nang tambangan sila sa Zamboanga City kaninang umaga.

Kapwa nagtamo ng tama ng bala mula sa caliber .45 pistol ang magkasintahang Cpl. Rolando Dupal-Ag Ranchez, 39-anyos, at Rose Medalya, 21-anyos.

Sa ulat ni Senior Insp. Alberto Albarez, hepe ng Ayala police station, sa PNP headquarters sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 8:30 ng umaga sa national highway ng Barangay Talungatung.

Bago ito, nakasakay sa motorsiklo ang magnobyo at papunta sa kanyang duty sa detachment ng Task Force Zamboanga (TFZ) sa may Barangay Recodo, ilang kilometro ang layo mula na lugar ng insidente nang bigla na lamang silang pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Kukunin na sana ng isa sa suspek ang automatic firearm na dala ni Dupal-Ag subalit nakapagpaputok pa ito ng kanyang dalang baril kaya umatras at tumakas ang mga suspek gamit ang kanilang motosiklo.

Hinala ni Alvarez na ang target ng mga suspek ay ang baril na dala ng Army scout ranger subalit hindi sila nagtagumpay.

Ilang minuto naman matapos ang insidente, isang miyembro ng CAFGU ang naaresto ng mga pulis sa isang checkpoint sa may Barangay Tetuan ng lungsod matapos ma-recover sa kanya ang dalawang caliber .45 pistol at mga bala na walang lisensya.

Nakilala ang inarestong CAFGU na si Federico Luchaves Ambao, nakabase sa Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Alvarez, iniimbestigahan nila ngayon kung may kaugnayan ang naturang CAFGU sa pamammaril sa dalawang biktima dahil lumalabas na galing ito sa lugar ng insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply