Sundalo sugatan sa bakbakan N. Cotabato

ISANG sundalo ang nasugatan makaraang magkaengkuwentro ang government troops at hindi pa makilalang mga armadong kalalakihan sa Makilala, North Cotabato.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang umaga, naganap ang engkuwentro bandang alas–5:45 ng hapon noong Miyerkules sa boundary ng Barangay Luayon sa Brgy. Makilala.

“The encounter lasted for about five minutes which resulted to the injury of Pfc. Aspacio from the Philippine Army.”

Makaraan ang engkuwentro, tumakas ang mga armadong grupo sa parte ng southwest ng naturang barangay.

Kasalukuyan namang minomonitor ng local disaster management ang situwasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply