Sunod-sunod na oil price hike ipinagtanggol ng IOPC

TAHASANG ipinagtaggol ng Independent Oil Price Committee (IOPC) ang mataas at sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Batay sa pahayag ng IOPC, batay umano sa kanilang pag-aaral at naging resulta ng 5 buwan na pagsusuri at pag-aaral ng binuong na pinamunuan ni UP  professor at economist Ben Diokno, patas lang at walang overpricing sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Diokno, sumasabay lang ang presyo ng mga produktong petrolyo dito sa Pilipinas sa presyo sa world market.

Sa katunayan umano, mas mataas pa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa mga kalapit bansa tulad ng Indonesia at Thailand.

Sinabi pa ni Diokno na hindi masasabi na malaki ang kinita ng mga oil companies dahil mas malakas kumita ang ibang kompanya tulad ng mga gaming companies at casino.

Dahil dito ay inirekomenda ng komite sa gobyerno na obligahin ang mga kompanya ng langis na magsumite ng kanilang financial statement taon-taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply