Sunog at kuryente sa El Niño

SINASABI ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na sa darating na dalawang linggo, magsisimula nang humagupit ang hanging amihan.

El Niño ang ibig sabihin niyan. Hindi basta tag-araw sa tag-ulan kundi tag-init.

Bilang isa sa mga naunang warningshot ng PAGASA, magtipid umano tayo ng tubig.

Tama ang PAGASA. Pero hindi dapat na ang tubig-inumin lamang ang isipin.

Napakaraming bagay ang dapat nating bantayan na kung mapababayaan ay magdudulot ng kasiraang hindi natin masusukat.

oOo

Ang isang inaalala natin ay ang mga magaganap na sunog. Handa na ba ang mga bumbero na umapula ng mga sunog nang kulang sa tubig  ang mga fire hydrant?

Paano rin ang kahandaan ng mamamayan laban sa sunog kung sakaling kukulangin tayo sa tubig?

Ayon sa Bureau of Fire Protection, maraming munisipyo ang wala kahit isang bum-be-bumberuhan man lamang.

‘Yung iba, meron ngang firetruck, sira naman o  di kaya’y kargang tubig. Kaya kung may sunog, mas marami ang patay. Por eksampol yung nangyari sa Tuguegarao City.

Nagkasunog sa otel na ilang hakbang lang mula sa istasyon ng mga bumbero pero naging inutil ang mga ito,

Hayun, maraming examinee sa nursing exam ang nalitson ng buhay.

oOo

Isa pang malaking problema ang tiyak na pagtataas ng halaga ng kuryente.

Sasabihin na naman ng mga kompanya at kooperatiba ng kuryente na mahal ito dahil sa paggamit ng mga generator na lumalaklak ng petrolyo na napakamahal.

Sasabihin nilang stap operesyon ang mga hydroplant gaya ng Agus sa Mindanao, Angat
dam sa Bulacan at iba pa.

Pero kailanman ‘di nila sinasabi ang pagsasamantala nila at pagpatong ng gobyerno ng napakalalaking buwis sa kuryente.

At sinasamantala nila ang pananahimik ni Juan kahit hirap na siya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply