Sunog sa bodega sa Caloocan may 13 oras na

(UPDATE) TUMAGAL ng 13 oras ang sunog sa bodega ng kalburo sa Grace Park, Caloocan City na nagsimula pa kagabi.

Sa ulat, dakong alas-8:20 ng gabi nang magsimula ang sunog sa Reliance Warehouse sa 8th avenue ng lungsod na pag-aari ng isang Joseph Tuazon.

Dakong alas-9:50 kaninang umaga nang ideklarang fire out ang sunog.

Ayon kay Fire Officer 3 Benedicto Tudla, nagmula umano ang apoy sa kanang bahagi ng nasabing establisimyento na gawa sa semi-concrete materials hanggang sa tuluyang gumapang ang apoy sa ilang combustible at flammable materials na naikaimbak sa nasabing warehouse.

Isang fire volunteer naman na nakilalang si Edmond Chan, 26 ang napaulat na nahirapan umano sa paghinga dahil sa matinding suffocation na agad namang dinala sa pagamutan upang mabigyan ng paunang lunas.

Inaalam pa ng mga arson investigator ang halaga ng napinsala sa naturang sunog kabilang ang ibinunyag ng may ari ng naturang pabrika na posibleng nanigarilyo ang kanyang mga tauhan dahilan upang masunog ang kanyang bodega.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply