Sunog sa Tutuban pinaiimbestigahan ni Lim

PINAIIMBESTIGAHAN na ni Manila Mayor  Alfredo Lim  ang pagkakasunog ng Cluster A building ng Tutubal mall sa Divisoria na umabot ng 48 oras bago tuluyang idineklarang fire out ng Bureau of Fire Protection –National Capital Region.

Ginawa ng alaklde ang kautusan matapos personal na bisitahin ang naganap na sunog sa nasabing mall.

Ayon naman sa BFP-NCR Deputy Director for Administration Supt. Bobby Baruelo, idineklarang fire out  ang sunog  bandang ala-1:00 ng madaling-araw kanina kaya naman makakapagsimula na silang magsagawa ng imbestigasyon sa insidente.

Batay naman sa kanyang inisyal na inspekyon, bagamat naapula na ang apoy sa mall ay naniniwala itong wala na halos natirang mga paninda o kagamitang naiwan sa  loob ng Cluster building.

Gayunman, kanila pa rin aniyang sisiyasatin  kung may natira pang kagamitan  upang matunton kung saan nagmula ang  sunog at kung ito ay sinadya.

Sa ngayon ay nakabantay pa rin ang ilang pamatay sunog sa lugar upang tiyakin na wala nang baga ng apoy  na maaaring magliyab.

Sa naganap na sunog ay may naitala namang 50 sugatang bumbero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply