Suplay ng basic commodities sa Batanes kapos – obispo

DUMARANAS ngayon ng kakapusan sa suplay ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain ang lalawigan ng Batanes bunsod umano ng naranasan nilang sunud-sunod na sama ng panahon at dumaan na bagyo.

Kaugnay nito, umaapela ng tulong si Batanes Bishop Camilo Gregorio sa pamahalaan, Social Action Centers ng Simbahang Katoliko at mga mamamayan.

Ipinaliwanag ni Gregorio na nagkaroon ng kakulangan ng suplay ng mga pagkain at iba pang pangangailangan sa lalawigan dahil hindi nakararating ang mga cargo ship sa Batanes island bunsod ng masamang panahon at malalaking alon.

Kabilang umano sa mga suplay na kailangan nila sa ngayon ay bigas, asukal, at iba pang pagkain.

Maging ang suplay ng diesel ay kapos din umano kaya’t madalas nawawalan ng suplay ng kuryente ang Batanes.

“Ganito ang sitwasyon namin sa Batanes ngayon, medyo nagkukulang ang mga suplay namin, bigas, asukal, diesel, dahilan sa mga nakaraang bagyo, hindi po makarating yung mga cargo ships na nagdadala ng supply, kaya medyo nahihirapan po kami ng konti, pero we will be able to overcome this naman, konting tiis lamang pero nagpapasalamat po kami sa mga magbibigay ng tulong in a away to alleviate our inconvenience, more inconvenience than suffering, pagpalain kayong lahat sa inyong concern sa amin dito,” ayon kay Gregorio, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Kaugnay nito, kaagad namang kumilos at umaksiyon ang Caritas Manila sa panawagan ni Gregorio.

Ayon kay Fr. Anton Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, makikipag-ugnayan sila kay Gregorio at agad na magpapadala ng tulong para tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa Batanes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply