Suplay ng bawang sa bansa, sapat – DA

TINIYAK ngayon ng Department of Agriculture (DA) na sapat at hindi kukulangin ang suplay ng bawang sa bansa.

Ayon sa DA, hindi na kailangan na mag-angkat ng bawang upang mapunan ang tinatawag na market shortage, matapos tumaas ng 120% ang produksyon ng bawang sa taong ito.

Sinabi ni Arnold Sagon, presidente ng Itbayat Garlic Producers and Multi-Purpose Cooperative na batay sa pinakahuli nilang pag-iimbentaryo, sapat ang suplay ng bawang para mapunan ang demand ng mga konsyumer hanggang sa matapos ang taong 2012.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply