Suplay ng kuryente sa Visayas region, balik normal na

NAGBALIK na sa normal ang daloy ng transportasyon at kuryente sa mga nilindol na lugar sa Visayas Region.

Ito ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos matapos makumpuni ang mga napinsalang poste sa Eastern Samar at Southern Leyte.

Sinabi ni Ramos na mabilis naman na inspeksyon ang lahat ng mga linya tulad ng mga poste.

Ayon kay Ramos, nakumpuni na ang tatlong pangunahing tulay sa mga bayan ng Mercedes, San Julian at Guiuan, na nagdudugtong sa 12 bayan sa Eastern Samar.

Batay sa pinakahuling ulat umabot sa halagang P14.2 milyon ang idinulot na pinsala sa kisayaan.

Ayon kay Ramos, kabilang sa mga  napinsala ng lindol ay ang gymnasium ng munisipyo ng Oras, Eastern Samar, na nagkaroon ng bitak-bitak ang mga pader nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply