Surigao del Norte, inuga ng magnitude 6 na lindol

MULING niyanig nang tamaan ng magnitude 6 na lindol ang bahagi ng Surigao Del Norte kaninang 7:38 ng umaga.

Naitala ang epicenter ng naturang pagyanig sa layong 72 kilometro sa Hilagang Silangan ng Burgos, Surigao Del Norte na may lalim na 32 kilometro.

Naramdaman ang intensity 1 ng pagyanig sa Surigao City.

Nasundan naman ito ng magnitude 5.5 na lindol, kaninang 8:24 ng umaga sa 97 kilometro sa Hilagang silangan ng Burgos na may lalim na pitong kilometro.

Samantala, magnitude 4.8 na lindol naman ang tumama sa 118 kilometro sa hilagang silangan ng Guiuan, Eastern Samar kaninang 8:36 ng umaga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply