Suspek sa Doc Ortega slay pumanaw na

SUMAKABILANG-BUHAY na ang isa sa mga suspek sa pagpaslang sa radio broadcaster at environmentalist na si Doc Gerry Ortega na si Val Lecias.

Binawian ng buhay sa Ospital ng Palawan kaninang alas-4:30 ng madaling araw si Lecias.

Nabatid na halos limang araw na itong na-confine at komplikasyon sa sakit na atay ang dahilan ng pagkamatay.

Si Lecias ang itinuturong bumili ng baril na ginamit ng gunman sa pagpatay kay Ortega sa isang ukay-ukay sa Puerto Princesa City noong Enero 24, 2011.

Naaresto si Lecias sa Pasig City noong Mayo at ikinulong sa Puerto Princesa City Jail.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply