Suspek sa pagpatay sa 2 parak, arestado

SWAK sa kulungan ang isa sa mga pangunahing suspek na riding in tandem na pumatay sa dalawang pulis na walang awang pinagbabaril ang mga biktima sa Bagong Silang, Caloocan City.

Nakilala ang suspek na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Caloocan police at Quezon City Police District (QCPD) na si Romulo Auditor, alyas Dandan, sa kanilang bahay sa Barangay Batasan Hills, Commonwealth Area, Quezon City matapos ang ilang araw na pagtatago.

Si Auditor umano ang isa sa mga suspek na positibong itinuro ng mga nakasaksi na nakapatay kina SPO3 Tom Perez at SPO1 Tirso Roncales ng Caloocan City Police.

Natunton ang kinaroroonan ni Auditor matapos siyang ituro ng mismong tatay na si Pablo nang magduda sa mga iniuwing kasamahan ng kanyang anak sa kanilang bahay na sina Ernest Castillo na isang dating pulis at isang alyas na Dondon.

Gayunpaman, tanging si Auditor lamang ang naaresto ng mga awtoridad ng magresponde ang mga ito dahil nakatakas umano ang dalawang kasamahan nito.

Mariin namang itinanggi ni Auditor ang mga bintang sa kanya na sangkot siya sa pagpaslang sa dalawang Caloocan police.

Patuloy naman ang isinasagawang man hunt operaton ng mga awtoridad para mahuli sina Castillo at alyas Dondon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply