Suspek sa robbery-holdap sa Alabang Town Center, tiklo sa Parañaque

ARESTADO ang pang-anim sa most wanted list sa Parañaque City Police sa Sitio Tuyuan, Barangay Merville.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Richard Gonzales alyas Ricks Monteverde na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Parañaque Regional Trial Court Branch 258 na nag-ugat sa paglabag nito sa Republic 8294 o Illegal Possession of Firearms.
Nabatid na miyembro si Gonzales ng Sputnik Gang at may koneksyon din sa Ozamis robbery holdup group na umatake kamakailan sa Robinson Metro East, Robinsons Galleria at Alabang Town Center Mall.
Base pa rin sa imbestigasyon ng pulisya,  isa si Gonzales sa mga kasama sa naturang pag-atake nitong mga nagdaang buwan.
loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply