Suspek umaming sangkot sa Venson Evangelista slay

UMAMIN na ang nahuling miyembro ng notoryus na Dominguez carjacking group na sangkot siya sa pagpatay at pagsunog sa car dealer na si Venson Evangelista.

Base sa panayam sa radio sa ama ng biktima na si Arsenio “Boy” Evangelista, nakausap niya mismo ang suspek na si Rolando Talban makaraang mahuli ng Cavite Police.

Ayon kay Arsenio, itinanggi umano ng suspek na siya ang bumaril at nagsunog kay Venzon at ikinuwento pa umano nito kung ano ang nagging partisipasyon niya sa pamamaslang.

“Ang sinasabi niya, no main direct participation siya sa pagdukot pero dini-deny po niya na siya ‘yung talagang bumaril, ang bumaril daw ay si Joel Jacinto. Siya lang po daw ang naglagay ng packing tape at ‘yung isang akusado na nakakulong ngayon na si Jason Miranda po, siya po ang nagsunog at ang nag-utos daw sa kanya ‘yung witness natin na si Alfred Mendiola, napatay ang witness pero di ako naniniwala dun.”

Sinabi pa umano ni Talban na pinatay nila si Venson dahil natakot silang makilala nito makaraang tangayin ang target na kotse.

Kaugnay nito, nangako umano ang suspek na makikipagtulungan siya upang malutas ang kaso.

“Inamin din po niya na nagtrabaho siya sa Dominguez carjacking group at handa siyang makipagtulungan. Hindi pa alam kung isasailalim siya sa Witness Protection Program.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply