Suspensyon ni Councilor Paulate, et al hinarang ng CA

PINIGIL  ng Court of Appeals ang anim na buwang suspensyon na ipinataw ng Ombudsman laban kay Quezon City Councilor Roderick Paulate.

Ang nasabing suspension ay ipatutupad dapat ng Department of the Interiror and Local Government (DILG).

Sa  5- pahinang desisyon ng CA Special Ninth Division, pinaboran ng appellate court ang inihaing petition for temporary restraining order na inihain ni Paulate, konsehal na si Francisco Calalay at liaison officer na si Vicente Bajamunde.

Paliwanag ng CA, layon ng TRO na  maiwasan ang anumang  irreparable injury na maaaring danasin ng mga petitioner.

Ang naturang TRO ay magkakaroon ng bisa  sa loob ng 60 araw.

Matatandaang pinatawan ng suspensiyon ng Ombudsman si Paulate dahil sa sinasabing pagkakaroon nila ng ghost employees.

Binigyan naman ng pagkakataon ng CA ang DILG at ang Ombudsman na idepensa ang parusa laban sa kampo ni Paulate.

Ang mga respondent  ay binigyan naman ng sampung araw ng DILG at Ombudsman upang isumite ang kanilang komento.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply