Susuri sa source code sa 2013 polls napili na

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na nakapili na sila ng kompanyang susuri sa source code na gagamitin para sa May 13, 2013 automated elections.

Nakasaad sa apat na pahinang resolusyon ng Comelec en banc, inatasan nito ang Project Management Office (PMO) na ihanda na ang kontrata para sa US-based company na SLI Global Solutions para sa gagawing pagsusuri.

Ang SLI Global Solutions, na dating kilala bilang Systems Lab, Inc. ay dati nang kinontrata ng komisyon para sa kauna-unahang automated election noong May 2010.

Aabot umano sa P41.3 million ang halaga ng kontrata, na saklaw maging ang services at travel cost.

Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng Comelec na hanggang sa P3.3 million lamang ang papayagan nilang ma-reimburse ng mga staff ng SLI para sa travel cost ng mga ito patungo sa Pilipinas at pabalik sa kanilang bansa.

Kabilang umano sa susuriin ng SLI ang source code at documentation review.

Magsasagawa rin sila ng functional testing, trusted build at end-to-end testing upang matiyak na gagana ng maayos ang buong sistema pagsapit ng halalan.

Inaasahan namang masisimulan ang certification activities sa Setyembre 17, 2012 at matatapos sa Enero 10, 2013, na pasok na sa timeline ng election preparation.

Nabatid na ang ilan sa certification activities ay gagawin sa Denver, Colorado, habang ang ibang pagsusuri naman ay sa Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply