SUV sumalpok sa poste, 9 sugatan

SIYAM ang nasugatan makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang sport-utility vehicle (SUV) sa Philcoa, Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon sa report sa radio, sumalpok sa isang poste ang Mitsubishi Montero (VEL-563) malapit sa westbound area ng Philcoa at tatlong beses na nagpaikot-ikot bago huminto.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya kung ang driver ng Mitsubishi Montero na si Chris dela Cruz ay nakainom habang nagmamaneho.

Kaagad namang isinugod sa malapit na ospital ang mga sugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply