Sylvia Sanchez nagpapatayo ng mansiyon sa White Plains

Dahil year 1988 ay nasa showbiz na kami at nagsusulat sa Kislap Magazine ng buhay pa noong si Tito Nards, nasubaybayan rin namin noon ang career ni Sylvia Sanchez na protegee ng talent manager na may hawak rin noon kina Cristina Crisol at Maureen Mauricio.

Kung wala ng parehong career sina Cristina at Maureen, ganon na rin ang mga artistang kanyang nakasabayan, ang nasabing character actress ay winner na winer pa rin ang showbiz career.

Naging paborito siyang kunin sa mga pelikula ni Mother Lily Monteverde at dahil mahusay na artista ay hindi nawawalan ng project sa ABS-CBN.

Lahat kasi na kay Ibyang na. Mahusay umarte, magaling makisama at higit sa lahat, very propesyonal sa kanyangtrabaho at may midas touch rin yata siya dahil lahat ng samahan nitong teleserye ay pawang nag-rate.

Sa ngayon, part ng cast ng matagumpay na kilig serye na Be Careful With My Heart ang actress/businesswoman. Ang serye nilang ito na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap aka Papa Chen ang #1 ngayon sa Day-time programming ng ABS-CBN at first time sa mga shows ng Kapamilya network na regular na magkaroon ng replays tuwing Sabado at mas pinahaba pa ang oras by insistent public demand.

So, mapanonood n’yo na ang replays nito from 10:00 am to 11:30 am at weekdays naman Monday thru Friday at 10:45 Am after ng hit Koreanovelang Two Wives sa Kapamilya network.

Kapag hindi busy sa kanyang mga tapings at family owned resto na TJ’s Bar and resto na malapit lang sa ABS CBN, abala sila ng kanyang husband NA si Mr. Art Atayde sa ipinapagawa nilang bagong mansyon Riyan sa White PlaIns.

Kuwento pa ng actress, bale may limang palapag ang magiging bagong tahanan nila ng kanyang pamilya. Da progress is der gyud!

***

Korona ni Jericho Rosales inilunsad na Ng Star Records

MATAPOS ang tagumpay ng kanyang gold album na Change, paiibiging muli ng Kapamilya leading man na si Jericho ‘Echo’ Rosales ang lahat sa pinakabago niyang solo abum na may titulong Korona sa ilalim ng Star records kung saan tampok ang dalawang revivals at pitong all-original ‘alternative OPM’ songs na kanyang nilikha mismo.

Kabilang rito ang carrier single nitong Paboritong Tag-ulan na isinulat niya kasama ng album co-producer na si Jonathan Manalo.

Bahagi rin sa naturang album ang sound track ng teleseryeng Dahil sa Pag-ibig na may parehong titulo, isa pang bersiyon ng Paboritong Tag-Ulan kung saan ka-duet niya ang OPM singer na si Julianne. Maari nang ma-download ang tracks ng Korona sa www.mymusicstore.com.ph.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahinang Facebook fan-page ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply