Tabachingching pero aktibo!

AKTIBO na naman si Janna Dominguez at kasama pa rin siya sa pagbabalik ng ‘Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento’ ng GMA 7 na magsisimula sa September 16, Linggo ng gabi, pagkatapos ng Imbestigador.

Medyo lumusog si Janna dahil may baby na sila ni Mickey Ablan, ang ex-boyfriend ni Iwa Moto.

Happy naman si Janna sa takbo ng relasyon nila ni Mickey at tumatatag ang kanilang relasyon. May nagtanong nga sa kanya kung hindi pa ba sila hiwalay?

‘Bat naman wini-wish mo?,” sagot ni Janna.

Hahaha! Talbog!

Samantala, bagay lang naman sa role niya sa Pepito kung hindi siya sexy ngayon. Reality comedy show kasi ito na kung saan ay mabubunyag na ang tunay na kuwento ni Pepito Manaloto.

-0o0-

KINUKULIT si Cesar Montano kung tatakbo ba siya sa darating na eleksyon sa Maynila at makakalaban ni Vice Mayor Isko Moreno. Wala raw siyang balak at movie career niya ang kanyang aatupagin.

“I don’t know kasi marami akong movie na naka-line up. Puro films ang nasa isipan kong gawin, e,” mabilis ni- yang sagot.

“To be honest, wala pa akong balak talaga. Marami ang nag-i-invite sa akin, nagsa-suggest na mga friends na bakit hindi ako tumakbo ngayon pero wala talaga sa plano ko, e!.” deklara pa niya.

Nadala ba siya sa pagkatalo niya sa mga nakaraang eleksyon?

“Hindi naman. Hindi ko naman sinasabi na I’m closing my doors, puwede pang tumakbo pero hindi lang ngayon. Gusto ko kasi gumawa ng pelikula,” sey pa niya.

Ano ang puwedeng i-offer sa kanya para tumakbo ulit sa politics?

“Hindi naman ‘yung offer, e! kailangan nasa puso ko rin at sumasang-ayon rin dahil may pamilya na ako. Sasang-ayon siyempre ‘yung pamilya ko, sasang-ayon, unang-una si Sunshine. Kailangang hindi lang ako, hindi ko desis- yon lang din,” sambit pa niya.

Gagawin raw niya ang film bio ni Mayor Lim na kung hindi kami nagkakamali ay pang-apat na version ito dahil nauna nang isinapelikula ‘yan nina Rudy Fernandez, Eddie Garcia at Ramon Revilla, Sr.

Pero may ginawa ngayon si Cesar na kauna-unahang indie movie niya. Ito’y ang ‘Biktima’ na si RD Alba ang director, isang US based. Nag-aral siya ng drama sa Alabama ng apat na taon then moved to L.A. to major in film direction at L.A. Film School.

“We’re both from Bohol. Nagkataon na nandun ako sa Bohol at nandun rin siya. Sabi ko mga 15 days ako sa Bohol, sabi niya kailangan niya mga apat na araw lang. ‘Apat na araw? Sabi ko pelikula ‘yan apat na araw mo lang ako kailangan, sige binasa ko ‘yung script, sabi ko hindi kaya ito ng apat na araw.

Sabi niya, apat na araw lang  ‘yan, o sige apat na araw kinunan at natapos niya. Nu’ng pinanood ko siya, buo nga ‘yung pelikula. I was there all throughout the film.

“Alam mo dahil nakapagtrabaho na rin siya sa ABS-CBN before, he’s educated and learned how to make films na kung paano natin ginagawa ‘yun. Mabilis siya, mabilis siyang mag-anggulo. Magkasama kami sa Panaghoy sa Suba. Pag nagpupunta ako ng States, nakakasama ko siya like sa Columbia. Producer rin siya. He’s very devoted to his craft and I can see he knows what he’s doing,” kuwento ni Cesar .

“Ang desire talaga riyan ay sumali sa international movie festival so nakatahi ‘yung kuwento patungo run. Ako naniniwala ako na makakasali ito,” sey pa niya.

Release ito ng Star Cinema at showing sa September 19. Ilalaban din ito sa Sundance Filmfest .

-0o0-

UNANG iparirinig ni aktor/singer Piolo Pascual ang awiting, Kung Kailangan Mo Ako, ang theme song ng pinaka-bagong drama-fantaserye ng ABS-CBN na Little Champ sa “ASAP 2012” ngayong Linggo (September 9).
Ipapalabas rin ang music video nito na magkakasabay sa MYX, Cinema One at DZMM Teleradyo habang patutugtugin sa Tambayan at sa My Only Radio (MOR) sa lahat ng probinsiya.

Espesyal ang theme song na ito ayon kay Piolo dahil ito ang unang teleserye theme song na ni-record live ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra at isa rin itong una para sa kanya. “Noong sinabi nila na live orchestra yung accompaniment ng aawitin ko at first of its kind, na-excite ako nang sobra kasi ngayon ko lang ito ma-e-expe-rience. Isa itong milestone para sa akin,” ani Piolo.

Hindi pangkaraniwan na tumugtog ang isang orchestra para sa isang TV show, ayon naman sa head ng ABS-CBN Phil- harmonic Orchestra na si Gerard Salonga.

“Unang teleserye po ito sa ating bansa na may accompaniment ng live orchestra. Para magkaroon ng ganitong tunog ang isang TV show, ibig sabihin lang na sinisikap po talaga ng ABS-CBN na bigyan ang mga manonood ng mga palabas na mataas ang kalidad.”

Ayon sa mga bumubuo ng bagong drama-fantaseryeng, Little Champ, nababagay ang awiting Kung Kailangan Mo Ako dahil sa ‘heroic’ theme ng palabas na pagbibidahan ni Sen. Lito Lapid.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply