Tagalize ni Sen. Tito at bukol ni Gen. Decano

HANGA na sana tayo sa paninindigan ni Sen. Tito Sotto, na sukdulang umarte nang paiyak-iyak sa Senado ay ginawa nito, maipahayag lang ang kanyang pagkontra sa Reproductive Health bill.

Katunayan, nag-deliver pa ito ng “turno en contra” para mapatatag ang kanyang turno sa pag-contra sa RH bil. He, he, he.

‘Yun nga lang, parekoy, ang naunang speech ni Sen. Sotto ay inalmahan ng isang Amerikanang “blogger” dahil maliwanag na “tinurno” o ginaya ito mula sa kanyang blog sa isang networking site!

Dahil dito, winarat na sa social networking sites ang komedyanteng senador dahil sa pangongopya o plagiarism.

Kaya sa huling bahagi ng “turno en contra” ay ipinaha-yag ito ni Sen. Sotto sa wikang Tagalog para mapatunayang hindi na ito tinurno.

Ang masakit, ilang minuto pa lang matapos mag-speech ang senador ay marami na ka-agad ang contra.

Dahil kitang-kita na ang kanyang mga nilitanya ay mula pala sa isang speech noon ni Robert F. Kennedy ng Amerika.

Dito, parekoy, ay umalma na si Sotto sa akusasyon na siya ay nag-plagiarize muli, dahil Tinagalog na niya ito.

Oo nga naman, hindi na ito kaso nang pag-plagiarize dahil dinig narinig ko na kanya itong Tinagalize! Hak, hak, hak!

Sana, sir, sa susunod ay huwag na kayong mag-turno kung marami rin lang ang ku-contra. O kaya huwag na kayong ku-contra kung puro rin lang tinurno. Bwar, har, har!

-o0o-

TIMBRE ng isang “insider” sa opisina ni NPD Director C/Supt. Antonio Decano, galit na galit umano ang heneral dahil sa collection activities nina Major Lleva at P03 Jojo Cruz mula sa mga iligalista sa Camanava.

‘Yan na nga ba ang sinasabi ko, paretiro na lang kasi si Gen. Decano ay dinudungisan pa ng dalawang ito ang pangalan ng heneral!

Ano? Kung hindi ‘yun ang ikinagalit? Eh ano? Kulang raw, parekoy, ang ipinararating kay Decano, in short, binubukulan si sir!

Ha, ha, ha.  Ang sabiiii?

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply