Takeoff tsugi na sa X Factor

SA IKATLONG pagkakataon na mapabilang sa bottom 2, tuluyan nang nag-take off (natsugi) ang Takeoff ni mentor Gary Valenciano sa X Factor Philippines.

Marami ang nalungkot sa pagkatanggal ng grupo sa programa, patunay dito ang mga violent reaction ng mga netizen sa social networking site.

Sa eviction night kagabi nakasama ng grupong Takeoff sa bottom 2 ang nag-iisang pambato ni mentor-judge Pilita Corales na si Joan Da.

Nagkaroon ng judges deadlock, kung saan 2 votes (Gary and Martin) ang nakuha ng Takeoff at 2 votes (Charice and Pilita) din ang kay Joan.

Dahil dito, boto ang pinagbasehan nang natsuging finalist, at ito nga ay ang Takeoff matapos na makakuha nang pinakamababang boto na 6.59 percent (9.9 percent naman ang nakuha ni Joan).

Samantala, unang tinawag sa safe zone ang favorite ng mga netizen na si KZ Tandingan mula sa girls category ni mentor Charice.

Ilan sa mga naging topic sa social networking site (Facebook at Twitter) ang rendition ni KZ ng “Huling El Bimbo” ng Eraserheads sa performance night noong Sabado na may temang OPM o Original Pilipino Music. Puros papuri ang inani ni KZ sa nasabing kanta.

Bukod dito, maganda rin ang feedback ng mga judge sa kanyang performance sa kabila ng kanyang pamamalat.

Ilan pa sa mga nagustuhang performance ng mga tagasubaybay ng palabas ay ang kay Allen Sta Maria nang malambing niyang ibirit (hindi masakit sa tainga) ang awiting “Hanggang May Kailanman” ni Carol Banawa at mahusay na pagkakaawit sa “Paraiso” ng Daddy’s Home (ang nag-iisang pambato ni Gary V sa group category).

Umani naman ng batikos ang kontrobersyal na si Kedebon Colim, kabilang sa Boys category ni mentor Martin.

Kontrobersyal ang naturang finalist dahil marami ang diretsahang nagsasabing walang “K” itong makapasok sa X Factor.

Abangan natin ang top 7 sa susunod na Sabado at Linggo sa ABS-CBN 2.

Top 7:

Charice
KZ
Allen

Martin
Jeric
Kedebon
Gab

Pilita
Joan

Gary
Daddy’s Home

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply