Tañada, Villanueva ‘di kasama sa LP line up

ILALANTAD na sa susunod na linggo ang kumpletong listahan ng mga isasabak sa senatoriables ng Liberal Party (LP).

Ang paglalantad ay ipinabatid ni House Majority Floorleader Neptali Gonzales II na posibleng sa Lunes o Martes mabuo ang senatorial slate ng ruling party dahil plantsado na ang usapan nila ng Nacionalista Party (NP) at Nationalist People’s Coalition (NPC).

Ayon kay Gonzales, isa sa mga kunsiderasyon ng LP sa pagpili ng senatoriables ang resulta ng mga survey.

Dahil dito, malabo umanong mapasama sa senatorial line up ng LP si House Deputy Speaker at Quezon Representative Erin Tañada.

Kinumpirma ni Gonzales na hindi na kakandidato si TESDA Director Joel Villanueva dahil sa report na bibigyan ng ibang posisyon sa gobyerno.

Una nang pinangalanan ng Pangulong Noynoy Aquino ang limang (5) senatoriables ng LP na sina MTRCB Chair Grace Poe Llamanzares, Senador Koko Pimentel, dating Senador Jun Magsaysay, dating Akbayan partylist Rep. Rizza Hontiveros at Cong. Sonny Angara

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply