Tanaga Volcano sa Alaska nilindol ng magnitude 6.9

NIYANIG ng magnitude 6.9 na lindol ang bahagi ng Tanaga Volcano sa Alaska bago mag-alas-8:00 ng umaga kaninang umaga, oras dito sa Pilipinas.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang epicenter ng pagyanig sa 33 kilometro sa timog ng Tanaga Volcano, Alaska at may lalim na 40.5 kilometro.

Ang Tanaga ay isang 5,924-foot (1,806 m) stratovolcano sa Aleutian Range ng Alaska, estado ng Amerika.

Nabatid na tatlong eruptions na ang naitala sa bulkan mula noong 1763, at ang pinakahuling eruption ay naitala noong 1914 kung saan nagbuga ito ng lava.

Samantala, kamakailan, niyanig ng lindol ang Afghanistan at Indonesia, na tinamaan ng magnitude 5.8 na lindol na yumanig sa Hindu Kush Region sa Afghanistan.

Naitala ng US Geological Survey (USGS) ang epicenter ng lindol sa 40 kilometro sa timog ng Jarm, Afghanistan at mayroon itong lalim na 190.2 kilometro.

Sunod namang niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang bahagi ng Seram, Indonesia.

Ayon sa USGS, ang epicenter ng lindol ay nasa 75 kilometro sa hilagang silangan ng Amahai, Indonesia at may lalim na 9.9 kilometro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply