Tanggapan ng Alaminos Vice Mayor, nilooban

DAGUPAN CITY– Nilooban at ninakawan ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang opisina ng Vice Mayor ng Alaminos, Pangasinan.

Nilimas ng mga suspek ang ibat-ibang gamit ang opisina ni Alaminos Vice Mayor Cesar Manzano kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Alaminos Philippine National Police (PNP) naganap ang pangloloob sa pagitan ng ala una at alas 3 ng madaling araw.

Ayon sa lokal na police, ang nasabing pangloloob ay posibleng “inside job” dahil may security ito na nag babantay 24 oras sa city hall ng Alaminos.

Ang mga nilimas nga mga nanloob ay mga laptop computers, electronic gadget at hindi pa malaman ang halaga ng cash.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng follow-investigation ang Alaminos police.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply