Tanod binurdahan ng mga sinita, kritikal

KRITIKAL ang isang barangay tanod matapos na pagsasaksakin ng tatlong lalaki na nauna niyang hinuli dahil sa pagmamaneho ng walang helmet sa Marikina City, kagabi (Setyembre 24).

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Riane Yadao, nasa hustong gulang, residente at kasapi ng security force ng Brgy. Concepcion Uno.

Arestado naman sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ang mga suspek na sina Moises Villanueva, 20 anyos; Florencio Alegonza, 24 anyos; at Jeorge Asuzena, 23 anyos pawang residente rin ng nasabing lugar.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi sa kahabaan ng Panorama St., Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.

Nabatid na naka-duty ang biktima bilang deputized traffic enforcer sa kahabaan ng Panorama St., kung saan ay dumaan naman ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Dahil sa walang helmet ang mga suspek dagdag pa ang kahina-hinalang kilos ay pinara ito ng biktima at sinita.

Sa halip na makiusap ang mga suspek ay bumaba ang mga ito sa motor at agad na hinawakan ng dalawa sa magkabilang balikat ang biktima habang ang isa naman ay inundayan ito ng sunod-sunod na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang biktima ay nagtamo ng 21 saksak at ngayon ay nilalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center.

Nakadetine naman ang mga suspek sa lock up jail ng Marikina PNP habang inihahanda pa ang kaukulang kaso na isasampa laban sa mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply