Tanod kritikal sa riding in tandem

TINUTUNTON na ngayon ng mga awtoridad ang isang kulay itim na motorsiklo na may markang “Manila’s Finest’ na ginamait ng riding in tandem na bumaril at malubhang nakasugat sa isang Barangay Tanod sa Pasay City.

Nasa malubhang kalagayan ang biktima na kinilalang si  Randy Friaz, 33 anyos, binata,  ng Brgy.94 Zone-11  AT residente ng 2445 Celedonia St. bunga ng tama ng bala sa ulo mula sa kalibre 45 piostol.

Batay sa isinagawang imbestigasyon nina SPO3 Ronaldo Frades at SPO1 Dennis Desalisa ng Homicide Section ng Pasay City Police, ang insidente ay naganap dakong alas:12:35 ng tanghali ng maisipan ng biktima na magpahinga sa isang nakaparadang tricycle sa kanto ng Decena at  Celedonia St.

Habang nagpapahinga ang biktima, dalawang di kilalang lalaki na walang helmet sakay ng isang motorsiklo ang dumaan patungo sa Libertad St. at ng malayo-layo na, isa sa suspek ang walang habas na pinaputukan ang biktima na timaan sa ulo.

Kaagad isinugod sa Pasay City General Hospital(PCGH) ang biktima para malapatan ng lunas.

Sa huling ulat na nakalap ng pulisya lumalabas na ang motorsiklo na ginamit ng dalawang suspek ay isang unit ng “Shogun Pro” na kulay itim at may markang Police na may logong Manilas Finest.

Iniimbestigahan ng awtoridad kung ang motorisklo ay pag-aari ng pulis na hiniram ng mga suspek par gamitin sa krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply