Tanod, vendor, timbog sa buy-busts ng PDEA

DALAWANG pinaghihinalaang tulak ng shabu na isang barangay tanod at isang vendor ang nasakote ng mga operatiba  ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasunod ng isinagawang magkakahiwalay na  buy-bust operations sa Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga nahuling sina Richard Abana, alias Chak, 29 anyos, barangay tanod, ng  45-B, Arao Street, Barangay Ugac Sur, Tuguegarao City, Cagayan  na nahuli ng mga elemento ng PDEA Regional Office 2 (PDEA RO2) sa pamumuno ni  Director Juvenal Azurin sa isinagawang buy-bust operation sa kahabaan ng Arao Street sa  Barangay Ugac Sur, Tuguegarao City  noong September 23, 2012.

Kabilang  umano si Abana sa PDEA Provincial Order of Battle na nakuhanan ng apat na plastic sachets ng  methamphetamine hydrochloride, o shabu, at dalawang tig P1000 marked money.

Makalipas ang dalawang oras, nagsagawang muli ng operasyon ang PDEA RO2 sa Pinacanauan River, Barangay Caggay, Tuguegarao City na nagresulta sa pagkakadakip kay Barcy Sabdullah, 30 anyos,  vendor at residente sa Riverside, Barangay Centro 10, Tuguegarao City, Cagayan.

Nakuha kay Barcy ang dalawang plastic sachets ng shabu matapos makipag transaksiyon sa isang PDEA poseur-buyer.

Kapwa nasa kustodiya ng  PDEA RO2 sina  Abana at Sabdullah na kapwa kinasuhan ng paglabag sa (Section 5), Article II, Republic Act 9165.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply