Tapat na kutsero ng Rizal Park pinarangalan na

PINARANGALAN na kaninang umaga ng Dangal ng Rizal Park Award ang tapat na kutsero na nagsauli ng pitaka ng isang turistang Pranses sa Luneta.

Kasamang ipinagkaloob kay Jaime Mayol ang halagang P20,000, souvenir shirt mula sa Department of Tourism at special limited edition ng Uni-Silver Time na relo sa harap mismo ng monumento ni Gat Jose Rizal

Ayon kay National Parks Development Committee (NPDC) Director Juliet Villegas, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay ng pagkilala ang NPDC sa isang mamamayan na hindi empleyado ng kanilang tanggapan.

Sinabi pa ni Villegas na ang ipinakitang katangian ni Mayol ay isang magandang halimbawa na karapat-dapat na kilalanin at ipagmalaki hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Matatandaang naisakay ni Mayol ang isang grupo ng turistang Pranses mula sa Rizal Monument patungo sa Heritage Trail nang mahulog ang wallet ng isa sa mga ito mula sa kanyang back-pack.

Hindi nag-atubili si Mayol na pulutin agad ang pitaka na may lamang humigit kumulang 40 piraso ng 100 euro money o katumbas ng P272,000 at isinauli sa turista.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayol sa natanggap na pagkilala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply