Tapos na ang labanang Daniel Fernando vs Kuya Ipe sa Bulacan

MASASABING talagang tapos na ang napabalitang labanan nina vice Gov. Daniel Fernando at Philip Salvador sa Bulacan. Nauna narito ang pag disapprove ng Comelec sa candidacy ni Kuya Ipe dahil sa Residency.

Magkaganon pa man, kahit natuloy si Kuya Ipe ay nakatitiyak na ang panalo ni Vice Gov. Daniel dahil sa magandang performance niya sa paglilingkod.

Satisfied ang mga Bulakenyo sa kanyang Public Service record.

Sinabi ng Forever Loyalist Daniel Fernando ng Bulacan na tapos na ang laban sa pagitan nina Kuya Ipe at ng kanilang idolo sa Bulacan. Para sa kanila ay ang kanilang idolo ang nagwagi sa labanan.

***

Philip Salvador at Raymond Bagatsing, kaibigan ni Mayor Christian

ANG simpatikong Mayor Christian Natividad ng Malolos ang very proud sa kanyang mga kaibigan at kumpara sa showbiz na sina Kuya Ipe at Raymond Bagatsing.

Meron kaming schedule na pictorial kina Mayor Christian at Raymond Bagatsing rito sa Malolos. Puro artista ang kaibigan ni Mayor Christian dahil pinsan niya sina Melissa Ricks at Edmon Ramos.

***

Chito vs Annabelle, nasa korte na

TULOY pala ang demanda ni Chito Alcid vs Anabele Rama. Nasa korte na raw ito sabi ni Chito at may hearing sa Oct. 19.

Nakuha na raw ang kutsilyo ng waiter at ang silver baston ni Ms. Mila Del Sol. Sabi ni Chito, pang apat na raw ni Annabele ang isinampa niya.

***

Asar ang fans ni BB Gandanghari sa pang-iisnab ni Carmina

IBINULALAS ng mga fans ni BB Gandanghari ang pagka-asar nila sa dating asawa nito na si Carmina Villaroel.

Halatang halata raw nila na iniisnab ni Carmina ang idolo nila na rating asawa nito kaya wala silang suporta kay Carmina at si Aiko Melendez ang sinusuportahan ng loyalist ni BB Gandanghari.

***

Inang Bayan awardees 2012

IPINAHAYAG ng Inang Bayan Awards 2012 na ang awardees sa taong ito ay sina Vice Gov. Daniel Fernando, Mayor Christian Natividad, Bokal Michael Fermin, Mayor Ferdie Estrella, ABC Diony Mendoza at Dr. Ramon de Jesus ng Baliwag.

Sa showbiz ay sina Jake Vargas, Derick Monasterio, Melissa Ricks at Raymond Bagatsing naman ang awardees.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply