Task force vs dengue bubuuin sa Cebu

PLANO ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cebu ang pabubuo ng task force para labanan ang paglaganap ng dengue sa lungsod.

Dahil sa patuloy na paglaganap ng naturang nakamamatay na sakit inilatag ni City Mayor Michael Rama na ikasa na sa naturang lungsod ang dengue task  force.

Batay sa ulat, patuloy na nangunguna ang lungsod ng Cebu sa Central Visayas sa bilang ng kaso ng mga tinatamaan at namamatay sa sakit na dengue sa rehiyon.

Ayon kay Rama, ang task force ay  ipatutupad sa pamamagitan ng ordinansa para mapatawan ng multa ang sinomang lalabag sa anti-dengue campaign ng lokal na pamahalaan.

Base sa record, mahigit 3,000 na ang kaso ng dengue sa Cebu City at 12 dito ang namatay, mula noong Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Dahil sa ipapataw na multa, matututo ang mga residente na maglinis ng kanilang lugar lalo na ang mga pinamamahayan ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply