SCS opisyal nang tatawaging West Philippine Sea

WEST PHILIPPINE SEA na ang opisyal na itatawag sa South China Sea (SCS) matapos pirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Administrative Order No. 29.

Ang nasabing Administrative Order ay nagdedeklarang West Philippine Sea ang tawag sa maritime areas sa kanlurang bahagi ng bansa kabilang ang Kalayaan Group of Islands at Bajo De Masinloc o Scarborough Shoal.

Dahil dito, binigyan na rin ng direktiba ang National Mapping and Resources Information Authority (NAMRIA) na maglabas ng mga chart at mapa kung saan napalitan na ng West Philippine Sea ang SCS.

Isusumite rin ang official map sa secretary general ng United Nations (UN) at iba pang international organization tulad ng United Nations Conference on the Standardization of Geographical Names at International Hydrographic Organization.

Bukod dito, ipagagamit na rin ang bagong mapa sa mga tanggapan at ahensya ng gobyerno.

Maging ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (Ched) at mga state university and colleges ay inatasan na rin na gamitin ang official map sa mga libro at iba pang educational research at instructional materials.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply