Taxi driver na nangikil, ininguso, tiklo

ARESTADO ang isang taxi driver na nagpanggap na pulis at nagtangkang mangikil sa kanyang operator matapos inguso ng kasabwat na natiklo sa entrapment operation kamakalawa ng hapon sa Paranaque City.

Tatlong araw pa lamang na minamaneho ni Juancho Alano, 44, residente sa bayan ng Pateros ang taksing pag-aari ni Francisco Gatpayat, 32, residente ng Blk 23 Lot 8 Peter St., Annex 35 Brgy Don Bosco nang planuhin nila ng kanyang kasabwat na si Ernesto Andal na kikilan ang biktima.

Batay sa tinanggap ni ulat ni Paranaque police chief Sr. Supt. Billy Beltran, tinawagan ni Alano ang kanyang operator noong Martes ng hapon at nagpakilala bilang isang SPO3 Bobis at sinabing nakakulong ang kanyang driver dahil nasangkot sa aksidente.

Hinihingan ni Alano ng P50,000 ang kanyang operator kapalit ng paglaya ng kanyang driver at pag-release sa impounding area ng kanyang taxi.

Naghinala si Gatpayat na isang uri ito ng panlilinlang kaya’t humingi siya ng tulong sa mga tauhan ng Don Bosco Police Community Precinct na nagsagawa naman ng entrapment operation.

Dumating sa lugar na pinag-usapan ng pagbibigay ng salapi ang kasabwat ni Alano na si Andal na unang nadakip matapos tanggapin ang markadong salapi. Kamakalawa ng hapon ay nadakip naman si Alano makaraang inguso ito ng kanyang kasabwat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply