Taxi tinangay ng mga holdaper sa Kyusi

TINANGAY ng nagpanggap na pasahero ang  minamanehong taxi ng isang driver sa Congressional Avenue, Tandang Sora, Quezon City.

Base mismo sa salaysay ni Alfredo Ormido, driver ng Reno Taxi na may plakang PWZ 474, nagpanggap na pasahero ang mga suspek na sumakay sa Quezon Avenue at nagpahatid sa Luzon Avenue.

Ngunit nang nasa Congressional Avenue na sila ay nagdeklara na ang mga suspek ng holdap gamit ang isang kalibre .45 kung saan pinababa si Ormido kasunod ng pagharurot ng mga ito sa naturang sasakyan.

Nagsasagawa ngayon ng  follow-up operations ang tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) station 3 para mahanap ang naturang taxi at matukoy ang mga suspek na tumangay nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply