Tensiyon sumiklab sa demolisyon sa Guatemala, Makati; 16 sugatan

(UPDATE) BOTE, malalaking tipak ng bato at dumi ng tao ang nagliparan sa ere nang magkagulo sa demolisyon kaninang umaga sa Guatemala Street sa Barangay San Isidro, Makati kung saan 16 ang naitalang nasugatan.

Sa ulat sa radyp, hindi naka-usad ang Makati Engineering Department nang pagbabatuhin sila ng mga residente ng nasabing lugar.

Nabatid na kahapon pa pinaghandaan ng mga residente ang naturang demolisyon.

Napag-alaman na idedemolis ang mga bahay sa nasabing lugar kung saan itatayo ang sports complex.

Una rito, inihayag na ni Joey Salgado, tagapagsalita ng lungsod, na noong nakalipas na linggo pa natapos ang deadline para sa may 30 pamilya na boluntaryong umalis sa lugar.

Sinabi pa ni Salgado na binigyan ng opsyon ang mga apektadong residente. Kabilang dito ang resettlement area sa Calauan, Laguna; financial assistance at libreng pasahe sa mga nais umuwi sa kanilang probinsya.

Nabatid na kamakailan, ay ibinasura ng Makati Regional Trial Court ang hiling ng mga residente para sa preliminary injunction.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply