TESDA Dir. Gen. Villanueva, sa Gabinete na lang ni PNoy

MANANATILI na lamang sa gabinete ni Pangulong Benigno Aquino si Director General  Joel Villanueva ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ito ay kasunod ng desisyon ni Villanueva na hindi na tumakbo sa pagka-senador sa 2013 elections.

Ayon kay Villanueva, bagamat hindi pa tiyak kung mananatili siya sa TESDA o ililipat ng puwesto, tiyak naman na mananatili siya sa gabinete ayon na rin sa hiling ng Pangulo.

Handa naman, aniya, siyang tumugon sa anumang ibibigay na trabaho sa kanya ni Aquino.

Unang lumabas na ulat na pinaaatras na umano ni Pangulong Aquino si  Villanueva sa pagtakbo sa senatorial race sa susunod na taon dahil sa mababang resulta sa survey.

Lumalabas na sinabihan umano ng Pangulo ang TESDA chief na iurong ang kanyang senate bid dahil  mababang survey ratings nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply