Testigo sa pagpatay sa aide ni De Lima, lumutang

LUMUTANG sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang testigo sa pagdukot at pagkamatay sa aide ni Justice Secretary Leila de Lima.

Ito ay matapos ang apat na buwang hindi pag-usad sa kaso .

Ang testigo ay ipinakilala lamang ni NBI Special Task Force Chief Roland Argabioso sa pangalan na “Serbo”.

Isinailalim si Serbo sa polygraph o lie detector test para matiyak ang mga impormasyon sa pagdukot at pagkamatay ni Alister Quintos, miyembro ng DOJ intellegence operation group.

Ayon kay Argabioso, pumasa si Serbo sa lie detector test at gagamitin ang salaysay niya bilang bahagi ng kanilang ebidensya.

Lumilitaw sa imbestigasyon na si Quintos ay biktima ng robbery holdap.

Sinabi pa ng testigo na ngayon lamang ito lumutang sa NBI dahil hindi nito alam na ang nasabing ahensya pala ang siyang nag-iimbestiga sa kaso.

Matatandaan na natagpuang patay si Quintos ni Serbo kinabukasan ng huli nitong makita noong buwan ng Mayo 2012.

Nakita ang bangkay ni Quintos sa San idelfonso sa Bulacan.

Gayunman, sinabi ng NBI na magsasagawa sila ng re-enactment ng mga pangyayari sa Masinag, Antipolo City kung saan sinakay ang biktima ng mga hindi nakikilalang lalaki.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply