Tiangge ng DEL Pasko 3 tuloy-tuloy na!

BILANG chairman ng “Dito Exciting Lagi ang Pasko 3” — ang annual Christmas celebration ng Marikina City, ang naging gabay ko ay ang salitang binitawan ni Mayor Del R. De Guzman na ang tunay na layunin ng Tiangge ay ang pag-promote ng mga produkto at serbisyo ng Marikina para pumasok ang pera sa ating ekonomiya.

Ang usapan daw noon ay ang pagkakaroon ng Tiangge para pumasok sa Marikina ang pera galing sa labas — o pera galing sa mga taga ibang siyudad. Kumbaga, mabebenta ang mga gawang Marikina sa mga hindi taga Marikina na eengganyuhin natin para dumayo rito sa atin para  mamili ng mga Pamasko nila.

Okey na raw sana noong umpisa, ngunit nitong bandang huli …kabaligtaran na ang nangyari. Ang mga tagalabas o ibang lugar ang nagbenta rito sa atin at pera ng Marikenyo ang lumabas sa Marikina!

Ironic, ano po? Buti na lang at ganito kalinis ang hangarin ni Mayor Del.

Kaya’t sa kauna-unahang pagkakataon, ipinaubaya niya sa local business community ang pag-oorganisa ng tiangge sa

Marikina. Pinili ni De Guzman ang Marikina Chapter ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI Marikina) na pinangungunahan ni businessman Ed Francisco imbes na isang private tiangge organizer.

Sa hanay naman ng LGU, pinili ni De Guzman si Dr. Bobot Carlos na hepe ng City Veterinary Office dahil sa kanyang integridad at experience bilang isang successful businessman para maging head ng Tiangge Committee para siguraduhin na makakamit ng PCCI Marikina ang pangunahing layunin at sundin nito ang mga alituntunin ng Tiangge ng DEL Pasko 3 ngayong taon.

Mahigpit na bilin ni Mayor Del na gawing affordable para sa mga lehitimong residente ng Marikina ang rental ng stalls.

Dapat daw ay malaki ang kamurahan nito kung ikukumpara sa renta ng ibang hindi taga- Marikina.

Ayon kay Len Clarino ng PCCI Marikina, ang daily rate ng stall ay P500/day o P36,500 para sa kabuuan na 73 days ng tiangge.

Para sa mga hindi taga-Marikina, doble po niyan ang presyo.

Limited slots lang yang para sa mga Marikenyo kaya’t pumunta na agad ang mga interesado sa opisina ng PCCI Marikina sa gilid ng Marikina Sports Park sa kanto ng McDonalds Avenue at Sumulong Highway.

Nangako si Francisco kay Mayor Del na walang overpricing na magaganap sa tianggeng ito.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply