Tiangge sa central parking ng Marikina

EXCITED na ang mga Marikenyo at mga negosyante sa darating na tiangge na sa Central Parking gaganapin.

Ito ay ang malaking parking lot sa pagitan ng City Hall at Justice Hall ng Marikina.

Kung dati ay umaasa pa ang mga private organizer at mga stallholder na sa tabing ilog ipupuwesto ang tiangge ng “Dito Exciting Lagi ang Pasko 3”…ngayon, sila mismo ang kumbinsido kung bakit delikado na sa ilog.

Tapos na ang araw ng tiangge sa ilog ng Marikina.

Unang-una, tila di na bababa ang tubig sa ilog.

Kung dati ay 12.6 meters ang normal water level nito, ngayon daw ay 13.8 meters na. Tumaas ang riverbed ng 1.2 meters?

Ganoon ba karami ang putik na iniwan ng habagat sa ilog?

Kahit bago pa maghabagat, hindi sang-ayon ang city hall na ibalik sa ilog ang tiangge.

Ito ang posisyon ni dating acting city administrator Vic Tambuli at City Veterinarian Dr. Bobot Carlos na chairman ngayon ng tiangge committee.

Kung inyong matatandaan, dinesisyunan ng mga department head na sa gitna ng city hall at justice hall ilipat ang tiangge noong 2011.

Nag-wait and see ang mga negosyante kaya’t kaunti lang ang pumuwesto noong umpisa.

Sa kalaunan, marami ring humabol at dahil sa modernong carnival rides na parang pang Star City o Enchanted Kingdom, dumami ang dumayo sa tiangge.

Marami raw kumita kasi kaunti ang mga stall kung ikukumpara sa dati.

Ngayong taon, dito ulit gaganapin ang tiangge.

Kung dati, bago ang lokasyon para sa mga bumibili… ngayon, pamilyar na. Sanay na sila.

Very accessible ang puwestong ito.

May public transport mula sa Norte (Sumulong Highway), sa Kanluran (J.P. Rizal) at sa Silangan (Gil Fernando Ave.).

Kahit sa pribadong sasakyan, very accessible rin at sa lahat ng apat na direksyon pa.

At maniniwala ba kayo, ito lang yata ang tiangge na walang sugal tulad ng color games, drop ball, roleta atbp.

Kung magkakasundo sa halaga na ibabayad sa city hall, ngayon lang na ang PCCI Marikina na local chamber of commerce pa ang mag-o-operate ng tiangge.

‘Yan ang public-private partnership.

Good luck kay Mayor Del R. De Guzman!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply