‘Tigers balik sa Finals’

NAGLALAWAY sa Finals showdown ang University of Sto. Tomas Growling Tigers kaya paniguradong nananabik at ganado ang mga itong makipagbanggaan ng katawan sa defending champion Ateneo Blue Eagles.

Taong 2006 pa huling sumampa ang Tigers sa championship game habang ang Blue Eagles ay hinahanap ang pang-limang sunod na titulo.

Maghaharap sa Sabado ang UST at Ateneo para sa Game 1 Finals ng 75th season ng UAAP men’s basketball tournament na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Bago naayos ang date ng Tigers at Eagles ay kinaldag muna nila sa semifinals ang host National University Bulldogs, 63-57 at De La Salle University Green Archers, 66-63 ayon sa pgakakasunod kahapon.

Sa laro ng Ateneo pinasan ni Kiefer Ravena ang nanlalamig na opensa ng Eagles sa fourth quarter upang hindi na papormahin ang Green Archers at hindi na rin paabutin sa do-or-die situation.

Tumipa si Ravena ng 16 sa 28 puntos sa huling canto upang mahabol ng Ateneo ang 11 points na abante ng Green Archers matapos ang third period, 38-49.

Nakalamang ang Blue Eagles sa isang three-pointer ni Ryan Buenafe mula sa assist ni Ravena, 64-62 may 55.6 segundo na lang ang nalalabing oras.

Samantala, kahit may nararamdamang lagnat ni Tigers forward Kevin Ferrer ay bumomba pa rin ito ng 17 puntos at binantayang mabuti si Bulldogs star player Bobby Ray Parks para malimitahan ito sa 12 puntos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply