Tigers, Eagles maghaharap sa UAAP finals

ANG defending champion Ateneo Blue Eagles at University of Santo Tomas Growling Tigers ang magsasagupaan sa finals ng 75th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament.

Ito ay matapos manalo ang Blue Eagles sa kontra sa matagal nang karibal nitong De La Salle University sa iskor na 66-63 kanina.

Naging dikit ang laban ng Ateneo at La Salle. Nakalamang pa ang La Salle sa pagtatapos ng third quarter, ngunit nahabol ito ng Eagles sa huling yugto ng huling quarter.

Nanguna sa panalo ng Blue Eagles si Kiefer Ravena na siyang tinanghal na player of the game nang kumana ng 28 points kabilang na dito ang apat na three.

Una rito, nanalo naman ang Tigers kontra sa NU Bulldogs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply