Tilam-tilam kay Lovi Poe!

HINDI lang pala ang pagrampa niya sa Cosmo bash this September 18 ang pinaghahandaan ni Alden Richards sa ngayon kundi ang pagkawala na rin sa wholesome image at pagsabak na sa mga medyo daring at sexy roles.

Kaya naman todo nga raw ang pagpapaganda ng katawan niya ngayon.

“’Yong diet ko, kailangang fixed amount of calories lang a day,” aniya. “Tapos kailangang maisingit ko ‘yong gym.”

Extended ang One True Love na pinagbibidahan nila ng ka-loveteam niyang si Louise delos Reyes. Tatakbo pa raw ito sa ere for a month bago tuluyang matapos.

Pakiramdam ba niya, after One True Love, made na siya bilang Kapuso actor?

“Kulang pa po. Marami pa pong dapat na pag-aralan. Ang acting po, walang katapusan ang learning. So… everyday kailangan ko pong matuto ng bago. And I really want to learn more po.”

E ‘yong loveteam nila ni Louise, napi-feel ba niyang establisado na dahil sa Rami ng nakagiliwan nang subay- bayan gabi-gabi ang One True Love? Na puwede nang ihilera sa ibang popular team up ang tandem nila?

“A… kasi po kami naman ni Louise, parang before po, nag-start sa Tween Hearts. Tapos ako po nag-start sa Alakdana (bilang isa sa leading man ni Louise).

“Pero ‘yong mga loveteam naman po, sa tingin ko, wala namang competition lalo pa sa aming mga Tween stars.  “Kasi may sari-sarili naman kaming projects. Lahat naman po kami, nagpa-progress pantay-pantay.”

After One True Love, willing ba siyang kumawala na sa loveteam nila ni Louise kung hihingin ng pagkakataon?

“Uhm… kung kailangan po. Pero mas okey po sana kung huwag muna. Kasi comfortable ako kay Louise at comfortable din siya sa akin. So… okey po sana sa akin kung sa next project po kami pa ring dalawa.”

Nasabi niyang game na siya sa mga mature at sexy roles. E si Louise, wholesome pa rin ang image. E di magkakaroon sila ng contrast kung magka-loveteam pa rin sila?

“Siguro mapag-uusapan naman po.  Eventually.”

Sa mga daring na eksena gaya ng torrid kissing scene o lovescene, sino ang wish niyang makapareha?

“Si Lovi Poe. Kasi si Lovi, napakagaling na artista, Napanood ko ‘yong Aswang att gusto ko ring mapanood ‘yong pelikula niyang Guni-Guni.

“Nakita ko ‘yong potential niya as an actress… limitless. Lahat kaya niyang gawin. Lahat kaya niyang ibigay sa pagiging artista.

“So sa mga gano’ng scenes na required ‘yong… lovescene, gusto ko si Lovi ang makapreha ko. Kasi I have the highest respect for her as an actress. Sobrang galing niya.”

Meron ba siyang crush sa hanay ng mga young actresses ngayon?

“Naku!” sabay tawa ni Alden. “Concentrate muna po ako sa One True Love ngayon.

“So, baka ‘yong lovelife po comes after. Kasi mahirap pagsabayin.

“Pero ngayon napi-feel ko na lumuluwag-luwag na ‘yong schedule ko. Baka puwede na pong isingit ang lovelife.”

Artista ba ang mas gugustuhin niyang ligawan kung sakali o isang non-showbiz girl?

“Kasi I’ve been meeting people outside and inside showbiz. Okey naman. Sa akin hindi naman big deal kung showbiz o non-showbiz as long as okey ‘yong relationship.”

Puwede rin kayang maging ang ka-loveteam niyang si Louise sakaling hindi mag-progress ‘yong napapabalitang ma- gandang pagtitinginan nito at ni Enzo Pineda?

“Naku!” tawa ulit niya. “Masaya naman po silang dalawa ngayon, e. So… suportado ko po silang dalawa. “And siguro po, sa akin kung may dumating na sino man diyan, okey sa akin.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply