Tinamaan ng dengue sa bansa, nasa 80,000 na

Iniulat ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa mahigit 80,000 ang kaso ng dengue na naitala sa buong bansa hanggang nito lamang Agosto.

Sa ipinalabas na Disease Surveillance Report ng DOH, nabatid na simula Enero 1 hanggang Agosto 18, 2012, umabot na sa kabuuang 80,745 dengue cases ang naitala nila.

Mas mataas ito ng 14.14% kumpara sa naitalang 70,745 kaso sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Sa nasabing bilang ay 496 pasyente ang naitalang kumpirmadong nasawi.

Ayon sa DOH, pinakamaraming naitalang kaso sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 19.92% (16,087 kaso na may 84 deaths), sumunod ang Region III na may 15.36% (12,401), at Region IV-A na may 14.66% (11,839).

Sa NCR, pinakamaraming naitalang kaso ng dengue sa Quezon City na umabot sa bilang na 5,233 kaso at 29 deaths, sumunod naman ang Maynila na may 2,542 dengue cases at 12 deaths at pangatlo ang Caloocan City na may 1,870 kaso ng dengue at 9 patay.

Binigyang-diin ng DOH na walang pinipiling edad ang mga dinadapuan ng sakit matapos na maitala ng DOH ang mga nagkakasakit sa edad na wala pang isang buwan hanggang 94 taong gulang lamang.

Karamihan sa mga pasyente ay mga lalaki na umabot sa 52.7% at ang 40% ay kabilang sa 1 to 10 years age group.

Kaugnay nito, patuloy ang pagpapaalala ng DOH sa publiko na maging maingat laban sa sakit, lalo na’t inaasahang darami pang lalo ang mabibiktima nito ngayong itinuturing na peak season ng dengue.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply