Tindahan ng damit sa Baclaran nasunog

NASUNOG ang isang three-storey building na nagtitinda ng mga used-clothing malapit sa Baclaran Church sa Parañaque City kaninang madaling araw, Setyembre 13.

Ayon sa report sa radyo, wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing sunog na sumira sa mga shop sa naturang gusali sa Quirino Avenue.

Dahil sa naturang sunog, isinarado ang parte ng Quirino Avenue malapit sa kanto ng Airport Road na ginawang parkehan ng mga fire trucks.

Nagsimula ang sunog bandang alas-3:45 ng madaling na umabot sa first alarm at naapula lamang bandang alas- 4:50 ng madaling araw.

Nabatid na nagawa namang lumikas ng mga tenants ng naturang gusali.

Kasalukuyan pang inaalam ang sanhi ng sunog na nagsimula sa unang palapag habang tinatayang P100,000 ang halagang nasira.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply