Tips para iwas-karnap at ligtas na pagpa-park ng sasakyan

IPINAHAYAG ng Highway Patrol Group (HPG) na muling tumaas ang kaso ng carnapping sa Quezon City.

Sinabi ni HPG Dir. Chief Supt. Arrazad Subong, nitong nakalipas na Agosto lang ay siyam (9) na four-wheel drive vehicles ang naitala nilang nakarnap.

Ayon pa kay Subong, maituturing itong mataas para sa isang buwang panahon lamang.

Nangako naman si Subong, bilang bagong talagang hepe ng HPG na kanyang tututukan ang mga bagong modus operandi ng mga carnapper sa lungsod at maging sa ibang lugar.

Isa pang nakaalarma ay ang mga bukas kotse gang na hindi nga kinakarnap ang sasakyan ngunti ninanakaw naman ang mahahalagang bagay na inyong pinaghirapan.

Narito ang ilang tips para maiwasan na malagay kayo sa kapahamakan at maiwasan na makarnap ang inyong sasakyan, gayundin ang pagkawala ng mga gamit sa sasakyan na inyong pinaghirapan.

1. Laging i-park ang inyong sasakyan sa ligtas na lugar. Iwasan ang madidilim na lugar o kaya naman ay iwasan ang hindi mataong lugar. Kung may mga parking lot na may bayad, mas mainam na dito iparada ang inyong sasakyan.

2. Laging i-lock ang pinto at binatana ng inyong sasakyan bago ito lisanin.

3. Iwasang mag-iwan ng mahahagalagang gamit sa inyong sasakyan.

4. Iwasan din na maghintay sa loob ng sasakyan habang nakaparke.

5. Kung maiiwasan, huwag huminto sa mga isolated place gaya ng madidilim at hindi matataong lugar.

6. Kung kahina-hinala, huwag parahin ang mga estranghero. May mga masasamang loob na modus na kunwari’y hihingi ng tulong. Kung habulin kayo, magpunta sa matao at maliwanag na lugar o sa pinakamalapit na police station.

Sa kaling men in uniform o mga pulis ang nagpahinto sa inyo at gamit nila ay civilian vehicle ay huwag huminto bagkus ay pumunta muna sa pinakamalapit na presinto.

7. Kung kaya naman ng budget, mas mabuting maglagay ng security alarm at devices sa inyong sasakyan.

8. Sa mga may driver, dapat tiyaking mapagkakatiwalaan sila, hingan sila ng NBI clearance o kaya naman ay i-check ag background nila.

9. I-save ang number ng police sa inyong mobile phone at tiyaking laging may load lalo na kung bibiyahe.

10. Kung sa harap lang ng bahay nagpa-park ay dapat tiyaking gumagana ang alarm ng inyong sasakyan. Kung may gate naman, tiyaking nakasarado ito at siguruhing hindi madaling mapasok ang inyong bakuran.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply