Tirado vs Saludar sa Biyernes na

BAGO upakan ni Pinoy pug Froilan “The Sniper” Saludar ang Mehikanong si Jose Alfredo Tirado ay maghaharap muna sila sa weigh-in bukas ng alas-onse ng umaga na gaganapin sa Cuneta Astrodome sa Pasay, City.

Kailangan malaman ang kanilang timbang bago sila magbugbugan Biyernes ng gabi, (Setyembre 21) sa magaganap na Kamao: Kidlat at Maso sa nasabing lugar na inorganisa ng Shape-Up Boxing Promotions.

Kinikilalang pinakamalakas na 112 pounder sa kanilang bansa si Tirado at dalawang Pilipino na rin ang kanyang tinalo, isa na rito si Z-Gores.

Aminado si reigning WBO Youth Flyweight Champion Saludar na magaling ang katunggali subalit hindi aniya sapat iyon para mawalan siya ng kumpiyansa.

“May nakalaban na rin akong Meksikano at tinalo ko, kahit magaling siya ay nakahanda naman ako at gagawin ko lahat para manalo tayo.” wika ng nakatatandang kapatid ni Asian Games gold medalist Rey Saludar.

May malinis na 15 wins, isang tabla at 11 KO ang 23-anyos na si Saludar habang ang 32-anyos na si Tirado ay may record na 27 panalo 11 talo kabilang ang 19 KO.

Samantala, maghaharap sa supporting bouts sina Pinoy boxer Mark Jason Melligen at Sapapetch Sor Sakaorat ng Thailand para sa 147 lbs na may 10 rounds.

Walong rounds naman ang 114 lbs category kung saan ay mag-uupakan sina Jerwin Ancajas ng Pilipinas at Miguel Tamayo ng Mexico.

Ang nasabing event ay inaalay sa namayapang boksingero na si Karlo Maguinto na sumikat sa edad na 21.

Namatay siya matapos ang laban niya kay Marc Joseph Costa nitong Enero 28.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply