Tita Cacayan arestado sa illegal recruitment

MULING naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investogation (NBI)  ang notoryus illegal recruiter na si Tita Cacayan sa Isabela.

Ayon sa NBI, nadakip si Cacayan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng RTC Manila at Isabela kaugnay sa paglabag ng Section 6 nf RA 8042 o Illegal Recruitment in Large Scale.

Matatandaan na una nang naaresto si Cacayan noong 2011 dahil sa iligal nitong pagre-recruit ng gustong makapag-abroad kung saan isa si Sally Ordinario na nabitay sa bansang China ang kanyang nabiktima matapos itong mahulihan ng shabu sa kanyang bagahe.

Sinasabing si Cacayan umano ang nagbigay ng traveling bag ni Ordinario patungong China na naglalaman ng ipinagbabawal na droga.

Inakyat ng NBI ang kaso sa Department of Justice at sinampahan ng kasong paglabag ng Section 5 ng RA 9165 at Section 6 ng RA 8042 si Cacayan ngunit nakalaya rin ito dahil sa hindi pagsipot ng tumatayong testigo.

Bagamat nakalaya, muli itong inaresto nitong Setyembre 8,2012 nang magbaba ng warrant ang RTC Branch 20 ng Cauayan City, Isabela.

Kasalukuyang nasa kustodiya ngayun ng NBI si Cacayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply